Negosyante inutas dahil sa malalaking alahas

CAVITE-Dahil sa suot na alahas ay pinagbabaril ang isang negosyante bago pinagnakawan habang inihahatid sa eskuwelahan ang anak kasama ang kanilang kasambahay sa bayan ng Bacoor kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni PSupt. Redrico Maranan ang biktima na agad binawian ng buhay na si Robert Calumpong Cruz, alyas “Bombie,” 39 anyos, residente ng B-7 L-7 BF Topman 2, Molino 6, Bacoor, Cavite.

Sa imbestigasyon nina PO2 Amelson Ortega at PO2 Rodiard Peña, dakong alas-8:15 ng umaga nang ihatid ng biktima ang anak na si Cherry Blosom Calumpong, 3 taong gulang para ihatid sa eskwelahan nito sa St. Claire De Molino Academy gamit ang kanilang Honda Wave na may sidecar.

Habang inaatasan ng biktima ang katulong na si Sharon Aberya, 20 anyos, na  ibaba na ang anak at ihatid sa gate ng paaralan nang lapitan ang una ng hindi nakilalang lalaki at biglang pinaputukan sa likod na tumagos sa dibdib.

Nakuha pang bumaba ng biktima sa kanyang motorsik-lo at nagpilit na tumakbo ngunit hinabol siya ng salarin at ka-sama nito. Nang bumagsak ang biktima ay hinablot ng mga suspek ang suot nitong necklace na may malaking pendant at bracelet na uma-abot umano sa halagang P200,000.00, ayon sa misis nito.

Tinangka pang isugod ang biktima sa Molino Doctors Hospital ng mga sumak-lolo dito ngunit idineklara itong dead on arrival. Rubie Garcia

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply