NHQ logistics armory sa NCRPO nasunog

NAGSASAGAWA ng malalimang imbestigasyon ang Taguig City Fire Department  hinggil sa pagkakasunog ng isang warehouse  sa loob  ng National Capital Regional Police Office (NCRPO), kung saan malapit sa pinaradahan ng bus na  nasangkot  sa madugong hostage drama noong Agosto 23 sa area ng Maynila.

Sa sketchy report ng Taguig City Fire Department, dakong ala-1:40 ng hapon nagsimulang masunog ang Armory Logistic Warehouse, na matatagpuan sa loob ng NCRPO, Camp Bagong Diwa ng nabanggit na lungsod.

Kung saan ang naturang warehouse ay malapit lang sa dating nakaparadang hinostage na bus.

Ayon sa isang pulis ng NCRPO na tumangging magpabanggit ng pangalan, nabatid na ang mga lumang bala na nakaimbak ang pinagmulan nang pagkalat ng apoy.

Ayon naman sa Taguig City Fire Department, nagsasasgawa pa sila nang malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente.

Nabatid na dakong alas-2:40 ng hapon idineklarang  nag-fire-out ang nasabing sunog, na umabot sa ikalawang alarma at wala namang napaulat na may nadisgrasya. Gaynor Bonilla

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply