Nlex, Slex ite-takeover ng gobyerno

MAAARI nang i-take over ang gobyerno sa operasyon ng North at South Luzon Expressway dahil expired na ang prangkisa nito noon pang 2007.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 2624 ni Batangas Rep. Hermilando Mandanas kung saan hiniling nito na isuko na ng Philippine National Construction Coporation (PNCC) ang lahat ng physical assets at facilities na may kaugnayan sa operasyon ng NLEX at SLEX.

Paliwanag ni Mandanas na nakasaad sa Presidential Decree 1113 na kapag nag-expire na ang isang prangkisa ay otomatikong i-ooperate ng gobyerno ang operasyon ng naturang pasilidad.

Nilinaw pa ni Mandanas na dapat lamang kunin ng gobyerno ang operasyon lalo pa’t bigo hanggang ngayon ang PNCC na magbayad ng annual concession na umaabot na sa mahigit P2 bilyon.

“Since PNCC’s franchise expired without renewal by Congress, it follows that PNCC is bound to restore said physical assets and facilities,” ayon kay Mandanas, chairman ng House committee on ways and means.

Ayon kay Mandanas ang PD 1113 ay nagbigay ng prangkisa sa PNCC na dating Construction Development Corp. of the Philippines (CDCP)sa loob ng 30 taon hanggang May 1, 2007 na sumasakop sa expressway mula Balintawak hanggang Carmen,Rosales, Pangasinan at mula sa Pasay City hanggang Lucena City, Quezon, kabilang ang pangongolekta ng toll fee na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB).

“They are also mandated to turn over these toll facilities and equipment to the government upon expiration of the franchise period, without cost to the government among others,” giit pa ni Mandanas. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply