Notoryus na holdaper hindi hinuhuli

ANG notoryus na holdaper ng Paco, Manila na kilala ng mga pulis sa Paco Police Station at ng nakasasakop na barangay ay nakapagtatakang hindi hinuhuli ng mga nasabing awtoridad.

Hindi ko sinasabi na “tongpats” ang mga pulis ng Paco at barangay sa pamumuno ni Chairman Yuson ng Brgy. 686 sa mga nakukulimbat ng holdaper na si Bong Manalili.

Ang pinagtatakhan ko lang ay kung bakit hinayaan  ng mga otoridad na makatakas at makapagtago sa Laguna ang nasabing holdaper ganung alam naman  nila na marami nang mga reklamo sa tarantadong ito.

Ang iniisip ko tuloy baka mismo sila pa ang mga nag-abiso sa gagong holdaper na ito na magpalamig muna.

Abay, wag naman sana Chairman Yuson at Station 5 commander Supt. Pormento Bernal.

Alam naman pala n’yo na sa Laguna nagtatago ‘yung tarantado ay bakit hindi ninyo hulihin doon para maniwala kami na di kayo “tongpats” sa kanya.

Basahin ninyo itong reklamo sa text message.

Sir Johnny, gud pm. Ibabahagi ko lang yung nangyaring panghoholdap sa kapatid  ko nung Oct.12, 2010 bandang alas-2pm sa Quirino Avenue cor Roxas Blvd. Galing ang  sister ko sa SM MOA papunta ng Sta. Mesa. Nakasakay siya sa taxi, pagsapit ng Quirino Ave.  at naka-stop sila ay biglang binuksan ni Bong Manalili ang pintuan ng taxi at nagdeklara siya ng holdap.

Nagpunta ang utol ko at ang taxi driver sa Paco Police Station para i-report ang nangyaring panghoholdap sa aking kapatid. Doon na rin sa Police station nalaman ng sister ko na marami na palang nabiktima itong si Manalili sa nasabing lugar kung saan ay naholdap ang sister ko.

Pero nakapagtatakang hindi hinuhuli ng mga otoridad gaya ng mga pulis at ni Tserman ang nasabing holdaper.

oOo

Anomang reklamo o pu-na, itext lang sa 0918927-4764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com. Johnny Magalona

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply