NPC nag-TY kay PNoy

NAGPASALAMAT ang pamunuan ng National Press Club (NPC) kay Pangulong  Aquino  sa hindi pagsasama sa mga miyembro ng media na masampahan ng kaso dahil umano  sa pakikialam sa negosasyon sa naganap na  hostage crisis sa Quirino Grandstand na ikinasawi ng walong Chinese-Hong Kong  national noong Agosto 23,2010.

“The National Press Club expresses its profound gratitude to President Benigno Simeon Aquino III for listening to consistent calls to spare the three broadcasters recommended by the Incident Investigation ang Review Committe (IIRC) from those to be prosecuted for culpabilities or liabilities arising from the August 23, 2010 hostage drama,” bahagi ng pahayag ng NPC.

Sina Michael Rogas, Jake Maderazo at Erwin Tulfo ng DZXL Radio Mindanao Network (RMN) ay kabilang sa mga nailigtas sa anumang kaso.

Gayunman , binalaan naman ni Aquino ang mga ito dahil sa ang aksyon umano ng naturang mga broadcaster ay tinawag niyang “bordering on the criminal”. Jocelyn Tabangcura Domenden

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply