NSA dapat nang buwagin: Batang Pinoy, PNG bubuhayin ng PSC

Dahil sa kawalan ng mga bata at mga bagong manlalaro ang bansa na pwedeng ipangsagupa sa mga international competitions, pinaplano ng Philippine Sports Commission (PSC) na muling buhayin ang dalawang grassroots programs na Batang Pinoy at Philippine National Games (PNG).

Ang muling pagbuhay ng  Batang Pinoy at PNG ay nag-ugat dahil sa kakulangan ng bansa sa fresh talents na papalit sa mga tumatanda at paretiro ng miyembro ng national training pool.

Ayon sa kritiko, napapanahon na upang buhayin ng PSC ang ganitong grassroots programs dahil sa napakapangit na performance na ipinakikita ng ating mga tumatandang atleta sa paglahok sa mga international competition.

“We will revive these two very important programs to address the deterioration of our athletes’ performance in the various international events,” ani PSC chairman Richie Garcia.

“If you have noticed, panipis na nang panipis ang mga young talents which we used to discover from the provinces. And this is because we no longer have the means to find them in the absence of the Batang Pinoy, which used to provide us the fresh legs,” dagdag ni Garcia.

Ang target ng Batang Pinoy ay mag-recruit ng atletang nasa edad 10 hanggang18.

Ayon pa rin sa kritiko, ibigay na dapat ang pamamahala sa Batang Pinoy at PNG sa mga paaralan at pondohan ito ng gobyerno at agad na buwagin ang National Sports Associations (NSA)  dahil malaki-laki ring halaga ng salapi ang nasasayang dito ng gobyerno subalit bigo pa rin ito sa kanilang grassroots programs.

“Lumalabas kasi na ginagawa ng negosyo ng mga opisyal ng NSA ang mga hawak nilang atleta at sa kabila ng pagiging private sector ay wala naman silang sariling pondo at umaasa rin sa gobyerno,” ayon sa kritiko.

“Dapat talaga ay buwagin na ito at ipamahala na sa gobyerno ang paghanap sa mga batang manlalaro upang kada sentimong ginagastos sa mga atleta ay mapupunta sa tamang kalalagyan nito,” wika ng mga kritiko.

Nilulustay lang ng ilang tiwaling opisyal ng NSA ang perang ipinopondo sa kanila ng PSC kaya dapat ay buwagin na ang NSA at ipamahala sa DepED na dating DECS ang pamamahala sa grassroots programs, dagdag ng mga kritiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply