Number coding sinuspinde

SINUSPINDE ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding o Unified Vehicular Volume Reduction Program(UVVRP) ngayong araw para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Tiniyak naman ng pulisya ang seguridad sa halalan, partikular na tututukan ng MMDA ang pagsasaayos ng trapiko at pagpa-park ng mga sasakyan sa mga bisinidad ng eskuwelahan na inaasahan na dagsa ang magtutungo upang bumoto.

Nanawagan si Tolentino sa mga botante na maglakad na lamang at huwag nang magdala ng sasakyan kung malapit din lang ang eskuwelahan na pupuntahan.

Binalaan din ng nasabing opisyal ang mga nagtitinda na dumistansiya at huwag okupahin ang sidewalk na daan para sa pedestrian upang hindi magsikip ang daloy ng trapiko sa lansangan. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply