Obispo Cruz kay Puno: ‘Sisihin mo sarili mo’

NAAAWA na umano si Arsobispo Oscar Cruz kay Interior and Local Government Undersecretary Ricardo Puno dahil kung kung sinu-sino na lamang daw ang ginagamit nitong alibi para malinis ang pangalan sa pagkakasangkot sa isyu ng jueteng payola.

Sa panayam sa arsobispo kahapon, natawa ito sa naging pahayag ni Puno na may kaugnayan umano ang ilang personalidad sa likod ng tinaguriang “Balay” at “Samar” sa sinasabi nitong “smear campaign” laban sa kanya.

“Ang lalayo naman.. talaga pong nakakaawa naman siguro si Ginoong Puno. Ang aming sources ay aming mga informants sa Luzon at Visayas. Mayroon din sa NBI (National Bureau of Investigation) at PNP (Philippine National Police). Pero iyon pong siya ay sangkot sa jueteng, hindi po galing sa Balay at Samar iyon,” wika ni Cruz.

Maging ang Malacañang kahapon ay hinamon na rin si Puno na maglabas ng ebidensiya sa alegasyon nito na grupo umano nina DILG Secretary Jesse Robredo ang nasa likod ng paninira.

“Perhaps.. we should ask Undersecretary Puno what is the basis for the things that he said,” ayon kay presidential deputy spokesman Abigail Valte sa isang panayam.

Sa panig ni Cruz, masyadong umanong mababaw ang palusot ni Puno dahil kung mayroon umanong dapat sisihin kung bakit nasisira ang pangalan ng kalihim, ito umano ay ang kanyang sarili mismo.

“Hindi ko naman papatulan si Usec. Puno. Sapagka’t siya po ang sumisira sa kanyang sarili, wala namang iba. Siya ang nagsabi na hindi siya marunong sa hostage drama. Siya ang nagsasabi na maraming lumapit sa kanyang mga taga-jueteng, etc., etc. Hindi ko po kailangan na siya ay ibaba para lumiit ang kanyang pagkatao, siya po ang gumagawa noon.”

Samantala, uungkatin pa rin ng Kamara sa darating na linggo ang isyu ng umano’y pakikinabang sa jueteng ng ilang mga local government officials.

Sa panayam kay House senior deputy minority leader at Quezon Rep. Danilo Suarez, sinabi nito na inaasahan na pagpapaliwanagin pa rin ng ilang kongresista sina Robredo at Puno sa usapin. RT Monitoring, may ulat ni Nenet Villafania

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply