Odd-even scheme kinontra ng solons

PINALAGAN kahapon ng ilang kongresista ang panukala ni Chairman Francis Tolentino ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na muling ipatupad ang “odd-even scheme” na inaasahan ng huling makapagpapagaan ng daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

Sinabi ni Navotas Rep. Toby Tiangco, chairman ng House committee on Metro Manila development, na mas mainam kung iimbestigahan ng ahensya ang mga bus na kolorum gayundin ang ‘kabit at buntis’ na prangkisa kaysa ipatupad ang odd-even scheme.

Ayon sa mambabatas malaking bilang ng mga bus ang iligal ang prangkisa ngunit patuloy na namamayagpag sa mga pangunahing lansangan ng Maynila, partikular sa Edsa, na siyang pangunahing sanhi ng pagsisikip ng trapiko.

Batay sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), umaabot na sa 50 porsiyento ang sobrang supaly ng bus lalo na sa mga peak hours.

Maging si San Juan Rep. JV Ejercito na hindi na kailangan pang muling ipatupad ang odd-even scheme dahil mayroon namang umiiral na color coding scheme. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply