OFW na nagbigti sa eroplano iniimbestigahan

MASUSING iniimbestigahan ng awtoridad ang umano’y pagpapatiwakal ng isang overseas Filipino worker (OFW) sa loob mismo ng eroplano kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Patay na nang matagpuan ang biktimang si Marlon Cueba, tubong  Lubang, Occidental Mindoro nang dumating si Pasay City police Chief, Supt. Napoleon Cuaton sa loob ng Gulf Air.

Kalalapag pa lamang umano ang eroplanong Gulf Air Flight 1514 dakong 11:30 ng umaga sa Terminal 1 ng NAIA nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng comfort room na may sugat sa leeg at hinihinalang nagbigti.

Inihayag ni Bing Lina, terminal manager ng NAIA, na pinaniniwalaang nag-suicide sa loob ng lavatory ng eroplano ang biktima sa hindi pa malamang dahilan.

Galing umano ng Bahrain ang eroplano ng Gulf Air lulan ang biktima bago lumapag sa NAIA Terminal 1 at napunang hindi ito mapalagay bago pumasok sa comfort room.

Hinihintay pa umano ang biktima dahil nagtagal ito sa lavatory, pero nang silipin ay nakitang bangkay ng biktima. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply