OFWs puwede na uli sa Iraq, Afghanistan

POSIBLENG maalis na ang deployment ban ng Pilipinas sa mga bansang pansamantalang ipinagbawal ang pagtatrabaho ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos Jr., ito ay maisasakatuparan sakaling makapagtibay ng kasunduan ang pamahalaan ng isang kasunduan sa mga bansang may umiiral na “deployment ban.”

Kabilang sa saklaw ng direktiba ay ang Iraq, Afghanistan, Nigeria, Lebanon at Jordan dahil hindi dito natitiyak ang kaligtasan ng mga dayuhang manggagawa bunsod ng mga kaguluhan sa mga nabanggit na lugar.

Sa kabila ng paghihigpit ng Pilipinas, marami pa ring Pinoy ang nagpupumilit  para magtrabaho sa mga ipinagbabawal na bansa. Dahil dito ay pinaplano ni Vice President Jejomar Binay, na siya ring presidential adviser on OFW concerns, na panagutin ang mga ito sa batas. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply