Oil price hike kinunsinte ng DOE

NAGTAAS muli ng dagdag singil sa produkto ng krudo ang Chevron epektibo mula kahapon ng alas-sais ng umaga at  kinunsinte ito ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay Chevron Communications Manager Toby Nebrida, P1.25 kada litro ang ipapataw sa mga produkto ng premium, kerosene at E-10 gasoline.

Samantala, piso naman ang dagdag singil sa bawat litro sa produkto ng diesel.

Kaugnay nito, bahagyang bumaba ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan bunsod ng pagtaas ng dolyar kasabay ng paglipat ng atensyon sa oil producer cartel na Opec.

Ang oil price hike ng ilang kumpanya ng langis ay ipinagtanggol ng kalihim ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay Energy Secretary Jose Almendras, pasok naman sa kanilang kuwenta ang naging pagtaas sa presyo ng diesel at gasolina ng mga kompanya ng langis kung ibabatay ito sa $655 kada bariles ng unleaded gasoline sa international market at sa exchange rate. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply