Oil price hike nakaamba na naman

PANIBAGONG pabigat na naman sa bulsa ang inianunsiyo ng mga dambuhalang kompanya ng langis na muling magtataas ng 50 sentimos kada litro ng gasolina at 25 sentimos naman sa kerosene.

Dakong 12:01 kahapon ng hatinggabi nang ipatupad ng Pilipinas Shell ang  panibagong pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo.

Ito ay kaagad sinundan ng  Petron Corporation at Chevron ng kahalintulad ding halaga na naging epektibo naman dakong 6:01 ng umaga.

Wala namang ini-anunsiyong pagtataas ng halaga ng diesel ang tatlong dambuhalang kompanya ng langis na karaniwang ginagamit ng mga tsuper ng pampublikong sasakyan.

Kahapon ay nagpahiwatig na rin ang Eastern Petroleum at ilan pang maliliit na kompanya ng langis na susundan nila ang pagtataas sa presyo ng langis ng mga dambuhalang kompanya dahil sa patuloy na pagtaas ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.  Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply