Olympian woodpushers susulong ng piyesa sa Tuguegarao Open

NAKATAKDANG sumulong ng piyesa si super grandmaster Wesley So kasama ang ibang matitikas na Pinoy woodpushers sa magaganap na PACE Tuguegarao Open Chess Festival na mag-uumpisa bukas hanggang Linggo sa Tuguegarao.

Si So, ang RP’s no. 1 GM na may ELO rating na 2668 ay susubok angkinin ang isa sa prestihiyosong event sa taong ito na inisponsoran ng Compuserve Land Surveying Company of Engineers Abraham Cuaresma at A-Bee’z Express Travel and Tours ni Ma. Theresa Cuaresma.

Kabilang sa mga kasali sa Open tournament na ipinatupad ang nine rounds swiss system sina GMs John Paul Gomez at Darwin Laylo habang sina Eugene Torre at Jayson Gonzales at International Master Yves Rañola ay maglalaro ng simultaneous exhibitions kontra tig 30 players.

Sina So, Gomez at Laylo, mga miyembro ng national team na lumaro sa katatapos na World Chess Olympiad sa Russia ang siyang magiging paborito sa event na may prize fund na P100, 000.  Elech Dawa

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply