Ombudsman tinira ni Tupas

NAGBABALA si Iloilo Rep. Niel Tupas, chairman ng House committee on justice na maaaring maabuso at magamit sa panggigipit ang kapangyarihan ng Ombudsman na agad suspendihin ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno habang nakabinbin pa ang apila .

Giit ni  Tupas na ang ibinigay na karagdagang kapangyarihan ng Supreme Court (SC) sa  Office of the Ombudsman ay maaaring maging daan upang gipitin o gantihan ang mga opisyal na may nakabinbing kaso.

“I do not agree with that decision, it would give the Ombudsman the power to dismiss even elected local officials with pending appeal. But the remedy is to amend the Ombudsman Act to correct this situation,” ayon kay Tupas.

Taliwas naman dito ang pananaw ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas, vice chairman ng House committee on justice at isang bar topnotcher sa pagsasabing ang resolusyon na isinulat ni SC Chief Justice Renato Corona ay magpapalakas sa mandato ng Ombudsman.

Gayunpaman ay hiniling pa rin ni Farinas sa SC  na madaliin ang pagdedesisyon sa reklamong inaksyunan na ng Ombudsman.

“The decision gives more teeth to the powers of the Ombudsman but the SC should compensate such by acting swiftly on cases decided by the OMB finding guilty a public officer,” sinabi pa ni Farinas. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply