Opis ni Sen. Lacson ‘ipinakandado’ ng COA

TULUYAN  nang ipinasara ng liderato ng Senado ang tanggapan ni Sen. Panfilo Lacson alinsunod sa rekomendasyon ng Commission on Audit (COA) at konsultasyon sa miyembro ng Mataas na Kapulungan partikular ang pagtigil sa pagbibigay ng pondo rito.

Kahit idenepensa ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pasya ng Senado sa pagsususpinde ng pagbibigay ng sahod at operational expenses sa tanggapan ni Lacson, hindi lamang aniya siya ang nagpasya nito kundi ang buong Senado.

Nauna nang inirekomenda ng COA kay Enrile na itigil ang pagbibigay ng anumang uri ng pondo sa tanggapan ni Lacson kabilang ang pagpapasahod  sa tauhan at operational expenses.

“Commission on Audit expressed some reservation regarding the continuation of supporting the financial needs of the office of Senator Lacson, I notified his staff that the Senate would have not have any choice except to discontinue supporting the budget of senator in the meantime. Now as head of the Senate, I did not assume the responsibility of deciding that alone. I have to call a meeting, a caucus of the Senate. Both the majority and minority and presented the issue to them and so, all of us agreed,” ayon kay Enrile.

Kabilang sa sinuspende ang P2 million pondo ng tanggapan ng senador bawat buwan maging ang buwanang sahod nito na nagkakahalaga ng  P36,000.

“It’s painful for us to do that to a colleague but nonetheless, we have to do it but we also have to see to it that his people, the members of staff, will not be unduly dislocated,” dagdag pa ni Enrile.

Ang mga staff ni Lacson ay magpapatuloy sa kanilang trabaho habang inilipat sa tanggapan ng Senate Secretary.

Samantala, nangangamba si Enrile na maaring maapektuhan ang Senado ngayong 21 senador lamang ang aktibo dahil sa kawalan ni Lacson, nakakulong na si Sen. Antonio Trillanes III at ang binakanteng pwesto ni Pangulong Noynoy Aquino.

Hinalimbawa ni Enrile ang sitwasyon sakaling may aakyat na impeachment case sa Senado kung saan kailangan ng 16 na boto ng mga senador na aniya’y mahirap kunin kung mahigpit ang labanan sa paghuhusga ng kaso. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply