Opisyal ng FIFA sabit sa bribery

Iimbestigahan na ng international football governing body na FIFA ang media report kaugnay sa sinasabing pagbebenta ng dalawang opisyal sa World Cup.

Una rito, pinangalanan sa report sina Amos Adamu ng Nigeria at Oceania Football Confederation president Reynald Temarii na umano’y humihingi ng pera kapalit ng kanilang suporta sa bidding.

Sina Adamu at Temarii, ay kasapi ng 24-member committee na siyang boboto para sa magiging host ng international football event sa taong 2018 at 2022.

“FIFA has already requested to receive all of the information and documents related to this matter, and is awaiting to receive this material,” ayon sa statement ng soccer’s governing body.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply