P21-B CCT fund ‘hindi kokotongin’

HINDI mapupunta sa bulsa ng illan ang P21 billion na pondo para sa Conditional Cash Transfer (CCT) program ng Aquino administration.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, makaaasa ang lahat na magiging transparent ang implementasyon ng programa at may mekanismo rito ang Department of Social Welfare and Development  (DSWD).

Sa ulat, nagpahayag ng pangamba ang ilang kongresista na baka mapupunta sa tinatawag na ‘ghost beneficiaries’ ang bilyong pondo na nakalaan sa mga mahihirap. Ang mga karapat-dapat na beneficiaries lamang aniya ang makikinabang sa  programa ng pamahalaan.

“Ang administrasyon po ni Pangulong Aquino is committed to transparency and good governance,” ani Valte.

Aniya, may mga mekanismong magtitiyak na ang magbebenepisyo ng programang 4Ps ng DSWD “will really belong to the poorest of the poor.”

Sinabi naman ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman na mahigpit ang kanilang compliance verification system kung nakatutupad ang mga recipients sa kontrata.

Aniya, inaanyayahan nila ang mga nagdududa na pumunta sa kanilang tanggapan at obserbahan ang pagpapatupad ng programa.

“Inaanyayahan ko ang lahat na kung gusto ninyo pong tingnan at makita,” ayon kay Soliman. Kris Jose

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply