P30-B veterans’ fund kinukupitan ng DND

MALAKAS ang hinala  ni Sen. Franklin Drilon na kinukupitan ng ilang matataas na opisyal ng Department of National Defense (DND) ang mahigit P30-bilyon pondong inilalaan ng Kongreso na pangtustos sa pensyon ng mga beterano.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa badyet ng DND, inatasan ni Drilon ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na magsumite ng kumpletong listahan ng mahigit 284,000 beterano , kabilang ang 111, 149 beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

“Hindi natin alam kung paano nila natutukoy (beterano) pero nakakapagduda kaya nanghihinala kami na maraming ghost pensioner at tanging sa ganitong bagay lamang natin mabubura ang ganitong bagay,” ayon kay Drilon.

Natuklasan ng Senado na patuloy na nagbabayad ang pamahalaan sa mahigit 111,149 beterano noong Ikalawang Digmaan, na kung iisipin ay puro mahigit 85-anyos na.

“Sa ngayon, mayroong mahigit 111,000 beterano ng WWII. Mahirap paniwalaang ganoon pa karami ang mga survivors at asawa nila dahil kung mula 1945 hanggang ngayon, 65 years na ang nakakalipas, at kung noong 1945 ay 19 years old sila, ibig sabihin, 85 years old na sila pataas ngayon,” giit ni Drilon.

Aniya, kinikilala ng Senado ang repormang isinasagawa ng PVAO sa kapakanan ng mga pensiyonado ng militar kabilang ang beterano noong digmaan, ngunit dapat umanong ipabatid ng ahensiya sa Kongreso ang pamamaraan ng isinasagawang pagbabago.

Dahil dito, susuriin ng Senado ang bawat pangalan ng beterano sa listahan ng PVAO kaya ipinasusumite sa ahensiya ang kumpletong pangalan, address, date of birth, pangalan ng surviving spouse, bank account number kung saan idenedeposito ang pensiyon.

“Rerepasuhin ng Senado ang listahan pero baka hindi namin makayanang suriin ang bawat isa sa listahan, pero may gagawin kami para matukoy kung paano mabibigyan ng integridad ang listahan,” patapos ni Drilon. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply