P50M pork barrel tinanggihan ni Rep. Casiño

TINANGGIHAN ng isang partylist congressman ang P50 milyong halaga ng imprastraktura na ipinangako ni Public Works Secretary Rogelio Singson sa may 47 partylist representatives para sa susunod na taon.

Ito ay upang ipakita ni Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang kaniyang pagsusulong na mabawasan ang taunang pork barrel ng mga kongresista na P70 milyong taun-taon.

Ipinaliwanag ni Casiño na ang P50 milyon sa  bawat partylist representative ay alokasyong nakapaloob sa 2011 budget ng DPWH  at kaparehong halaga rin ang mapupunta sa mga kongresista na may regular na distrito bukod pa sa P70 milyon pork barrel.

“No I will not accept any additional pork even if offered such,” giit pa ni Casino sa pagsasabing hindi siya kabilang sa mga party-list lawmakers na nakipagpulong kay Singson noong nakaraang lingo kaugnay sa P50-million projects para sa partylist bloc.

“I am not privy to the supposed agreement reached between DPWH Singson and some party-list representatives regarding the additional P50 million infrastructure allocations for party-list representatives.”

Isa si Casiño  sa nagsusulong na ang DPWH lump sums ay dapat ma-itemized sa 2011 General Appropriations Act (GAA) upang matiyak na hindi ito maibubulsa o maaabuso at masigurong maisakatuparan ang “daang matuwid.

Nitong nagdaang Mierkules ay ibinunyag ni  Alyansa ng mga Grupo ng Haligi ng Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan (AGHAM) party-list Rep. Angelo Palmones ang ukol sa napagkasunduang P50 milyong pork barrel matapos ang isang pakikipagpulong ng kanilang grupo kay Singson na dinaluhan ng may 25 partylist reps. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply