P674B pambayad-utang ni PNoy

AABOT sa mahigit P674 bilyon  ang pondong inilaan ng administrasyong Aquino para pambayad sa utang-panlabas at pang-domestiko mula sa hinihinging P1.645-trilyon pambansang badyet para sa 2011.

Inihayag ito ni Sen. Franklin Drilon,  chairman ng Senate committee on finance matapos tiyaking maipapasa ang General Appropriations Bill (GAB) bago matapos ang 2010.

Ayon kay Drilon, naglaan ang Palasyo ng halagang P674 bilyon bilang automatic appropriations o ipambabayad sa utang ng bansa.

Sakaling mas lalong tumaas ang halaga ng piso kumpara sa dolyar, nakatitiyak naman na may “maamot” na hiwalay na pondo ang gobyerno mula sa naturang halaga dahil ibinase ang badyet sa kasalukuyang tantos ng piso kumpara sa dolyar.

Ani Drilon, mapupunta lamang sa mga departamento ng pamahalaan ang halagang P806.7 bilyon at P164.2 bilyon para sa special purpose funds mula sa P971 bilyong bagong badyet ng gobyerno.

Kabilang sa pangunahing sektor ng badyet para sa 2011 ang mga sumusunod: P207.3B sa edukasyon,  P110.6B sa public works, P104.7B sa tanggulang pambansa, P88.2 billion sa interior and local government, P37.7 billion sa agrikultura, P34.3B sa serbisyong panlipunan, P33.3 B sa kalusugan, P32.2B sa transportasyon at komunikasyon, P16.7 B sa repormang agraryo; at   P14.3 B sa hudikatura.

“We  assure the public that Congress will be able to ratify the P1.645-trillion national budget for 2011 before the end of the year to make sure that the government will not operate on a reenacted budget and to avoid delays in the Aquino administration’s priority projects,” ayon kay Drilon.

Kumpara sa badyet para sa taong ito na nilagdaan lamang ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nitong Pebrero kaya gumamit ang dating administrasyon ng reenacted budget sa loob ng isang buwan.

Sa reenacted budget, maaaring gastusin ng nakaupong Pangulo ang anumang halaga ng salapi ng gobyerno sa kasalukuyang panahon sa anumang kagustuhan nito. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply