Pacman at Khan magsasapukan bukas

Nakatakdang magsapakan sina Amir Khan at world’s best boxer Manny Pacquiao sa isang sparring session sa Baguio City bukas.

Ang Bolton boxer ay lumipad mula Los Angeles para pagbigyan si trainer Freddie Roach na samahan si Pacman sa pagsasanay.

Ayon kay Khan, 23-anyos, makatutulong din sa kanya ang pagsasanay na ito ni Pacman para tumibay ang tiwala niya sa sarili.

Sa darating na Disyembre 11 ay dedepensahan kasi ni Khan ang kanyang WBA world light-welterweight title laban kay Marcos Maidana sa Las Vegas.

Ang 2004 Olympic silver medalist ay unang nakaharap ang Pambansang Kamao sa isang spar session dalawang taon na ang nakararaan.

Samantala, ang dating flyweight naman na si Pacquiao ay nagnanais na makuha ang ikawalong titulo sa magkakaibang dibisyon sa nakatakdang pakikipagtuos niya kay Mexican Antonio Margarito sa Nobyembre 14.

“I haven’t sparred with Manny since I got beat by Breidis Prescott and I did really well against him then. I was quite inexperienced then but I’ve gone on to win the world title and fought some big names, so I think sparring with him this time will be a big test for me,” pahayag ni Khan.

Samantala, pangarap naman ni Khan na matuloy ang pagka-professional boxer ng kapatid niyang si Haroon, 19, sa susunod na taon na ngayo’y naglalaro sa Commonwealth Games sa Delhi at tutulak na rin sa Pakistan kung papalarin. Gilbert Perdez

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply