Pacman nagiging pasaway!

Tila nagiging pasaway na si pound for pound king Manny Pacman Pacquiao matapos nitong suwayin ang utos ni Top Rank Promotions President Bob Arum na huwag na itong maglaro ng basketball dahil delikado at baka magkaroon siya ng injury  at hindi matuloy ang napipinto nilang laban ni Antonio Margarito sa Nobyembre 13 (Nob. 14, Manila time).

Ito’y matapos na maglaro  si Pacman ng basketball sa gym ng hotel na kanyang tinutuluyan sa Baguio sa kabila na mariing bilin ni Arum na huwag muna siyang maglaro ng basketball.

Ayon kay assistant coach Boboy Fernandez, napuyat  uli si Manny dahil sa paglalaro nito  ng basketbol kagabi.

Paliwanag nito na maaari pa ring maglaro  ng basketball si Pacman dahil nakatutulong ito sa kanyang footwork, basta hindi ito mabigat at kailangan lang  nitong mag-ingat.

Una nang tumawag si Arum kay Trainer Freddie Roach at  pinagbawalan si Pacman  na maglaro ng basketbol, matapos niyang mapanood sa TV ang unang paglalaro ng basketbol ni Manny sa ensayo nito sa lungsod ng Baguio.

Samantala, muling sasalang ngayong araw sa 4 round  na closed-door sparring sessions si Pacquiao sa pagpapatuloy ng madibdibang ensayo nito dito sa City of Pines.

Matapos ang ilang light exercises, maghaharap  mamayang alas-dos  ng hapon sina Pacman at sparring mate nito na si Mexican Boxer Michael Medina.

Ayon kay assistant coach Boboy Fernandez, dadagdagan na nila sa susunod na Linggo ng isa o dalawang round ang sparring sessions ni Pacman, para makamit nila ang itinakda nilang target na mahigit 137 rounds.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply