Pacman parang palaka kung tumalon

Ipinakita ni pound for pound king Manny Pacman Pacquiao ang lakas ng kanyang binti matapos lumundag ng pagkataas-taas na parang palaka at inabot ang kisame ng gym sa Baguio.

Ito ang patunay na maganda ang epekto ng basketball sa kanyang kundisyon at talagang handang handa na ito sa nalalapit niyang pakikipagpalitan ng suntok kay two-time world champion Antonio Margarito sa Nobyember 14.

Ayon sa insider, nasa gitna ng training session si Pacman sa loob ng gym sa Baguio ng subukin nitong lundagin at abutin ang kisame ng gym.

Sa tulong at gabay ni conditioning coach Alex Ariza, sinubaybayan nito ang ginagawang ensayo ng Pinoy champion.

Tatagal ng tatlong Linggo ang ginagawang training ni Pacman sa  Baguio, ayon kay Roach.

Ang Pacquiao-Margarito fight ay gagawin sa Dallas Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply