Pacman pinagalitan ni Roach

Dahil sa madalas na pagliban sa ensayo, nagalit kahapon si trainer Freddie Roach kay pound for pound King Manny Pacman Pacquiao at sinabihan itong bawal ng lumiban sa ensayo.

“Hindi na pwedeng hindi sasabak sa matinding jogging at ensayo si Pacman bilang paghahanda niya sa laban nila ni Antonio Margarito,” ani Roach.

Ayon kay trainer Freddie Roach, kailanganang regular ang pag-jogging ni Pacman tuwing umaga dahil dalawang linggo na lang ang nalalabi sa ensayo nito sa lungsod.

Maliban dito, bumibigat na ang kanyang ensayo at madadagdagan pa ang rounds ng sparring sessions nito tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

Paliwanag ni Roach, sa mga araw na walang sparring session si Pacman ay kailangan mag-jogging sa mga pataas na kalsada, habang sa mga araw naman ng sparring sessions nito ay tatakbo ito sa mga patag na lugar.

Layon nito na mapatibay pa ang balanse ni Pacman sa kanyang katawan.

Matatandaang sa nagdaang araw, napapadalas ang pagliban ni Pacman sa ensayo nito dahil sa ilang aktibidad sa Metro manila.

Una nang sinabi ng American trainer na nasa 60 percent pa lang ang kondisyon ng Pinoy ring superstar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply