Pacman pinagbantaang pauulanan ng suntok ni Margarito

Tilang nagyabang sa harap ng fans itong si former 3-time world champion Antonio Margarito matapos sagutin ang patutsada ni trainer Freddie Roach, na patutulugin siya ni WBO welterweight champion Manny Pacquiao sa kanilang fight sa November 14.

Sa naging panayam kay Margarito sa kanyang training gym sa Oxnard, California, pinawi nito ang pangamba ng mga boxing fans at tiniyak na hindi siya nasisindak sa Pinoy champion.

“I know that everyone’s saying that I’m going to lose and get knocked out and that I’m no match for him (Pacquiao),” wika ni Margarito.

Ayon kay Margarito, papakainin niya ng mga suntok ang pound-for-pound king at ipinapangakong walang maitutulong si Roach oras na nasa ibabaw na sila ng lona.

Dagdag pa ng Tijuana Tornado, nakita na niya kung papaano lumaban si Pacquiao at nakikita niyang palaging bukas ito sa isang matinding uppercuts.

“Pacquiao won’t stand up to my punches. He’s been shook by smaller fighters than me and he will find out the hard way that his punches won’t hurt me. The way he (Pacquiao) fights, he is open to uppercuts. He’s going to be eating mine and when he does, he won’t want to come inside,” dagdag pa ng Mexican-American boxer.

Ang Pacquiao-Margarito fight, ay gagawin sa Cowboys Dallas Stadium, Arlington, Dallas, Texas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply