Pacquiao 90 percent ng ready

Ipinahayag kahapon ng team-Pacquiao na halos 90% nang handa si pound for pound King Manny “Pacman” Pacquiao para sa bakbakan nila ni former 3-time world champion Antonio Margarito sa Nobyembre 14.

Sa pagsisimula ng unang araw ng training sa America, nag-jogging si 7-division world champion Manny Pacquiao sa Griffith Park.

Ang largest urban park sa eastern end ng Santa Monica Mountains sa Los Feliz area ng Los Angeles, California ay may kabuuang 1,700 ektarya ang lawak.

Kabilang sa mga atraksyon sa loob nito ay ang Griffith Observatory and planetarium, William Mulholland Memorial Fountain at Travel Town Museum.

Una ng iginiit ni coach Freddie Roach na wala nang laro ng basketball o special appointment na gagawin si Pacquiao sa oras na magsimula na ang final phase ng training nito.

Ayon kay Roach, magiging close door ang ensayo ni Pacman, kung saan mula alas 12:00 ng tanghali hanggang alas 5:00 ng hapon ay sarado ang Wild Card Gym at ito ay inilaan para lamang sa pound-for-pound king.

Kabilang sa mga sparring partner ni Pacman ay sina Vanes Martirosyan, anak ng dating boxing superstar na si Julio Cesar Chavez Sr. na si Cesar Chavez Jr., Glen Tapia at WBA junior welterweight champion Amir Khan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply