Pacquiao nag-ensayo kahit wala sa training camp

Bagama’t wala sa kanyang training camp sa Baguio City, tuloy pa rin umano ang ensayo ni 7-division world champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao para sa  paghahanda sa malaking laban nito sa Nobyembre.

Kahapon, sumabak si Pacquiao sa tinaguriang “10.10.10 Run for Pasig River” kung saan kasama nito ang mahigit 100, 000 mga runners para sa kampanya na malinis ang Ilog Pasig.

Ito na ang pangalawang araw ng Linggo kung saan huminto  si Pacquiao sa kanyang training camp sa Baguio City.

Noong nakaraan, dumalo si Pacquiao sa birthday celebration ng kanyang anak na si Princess Grace at nagsilbi rin itong panauhing-pandangal ng sports fest ng Armed Forces of the Philippines.

Bukas naman, gagawin ni Pacquiao ang kaniyang ensayo sa Rizal Memorial Sports Complex.

Inaasahan din umano na makikipagkita bukas ang Filipino ring icon sa mga kapwa kongresista nito na mula Visayas at Mindanao para makadaupang-palad ang Pangulong Benigno Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply