Pacquiao nilusob sa Las Vegas

DINUMOG na naman ng mga fans si superstar boxer at Filipino congressman Manny Pacquiao kahapon.

Ito ay matapos dumalo siya sa isang rally para kay US Senator Harry Reid sa Orr Middle School sa Las Vegas Friday.

Si Reid ay tumatakbong re-electionist laban kay Republican challenger Sharron Angle.

Haharap naman si Pacquiao kay three-time world champion Antonio Margarito sa November 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Samantala, pinayuhan ni Las Vegas-based trainer Anthony Martin si Amir Khan na alaga ni Freddie Roach na dapat ay gumalaw ito nang todo para matalo si challenger Marcos Maidana.

Si Khan ay hahamunin ni Maidana para sa WBA junior welterweight championship belt.

Tagilid umano si Khan kung hindi siya gagalaw nang mabilis laban kay Maidana dahil malakas sumuntok ang katunggali nito.

Maglalaban ang dalawa ilang linggo pagkatapos naman ng laban ni Pacman kay Margarito. Gilbert Perdez

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply