Pag-absuwelto kay Puno, hindi ginapang –De Mesa

HINDI sinulsulan si Pangulong Aquino  para iabsuwelto si  Department of the Interior and Local Government Undersecretary Rico E. Puno na masampahan ng kasong administratibo o kriminal kaugnay ng August 23 hostage incident.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Eduardo de Mesa na walang nanggapang sa Palace legal team para iligtas sa naturang asunto.

Kamakailan ay personal na inihayag ni Pangulong Aquino ang ginawang pagrepaso nina De Mesa at Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. sa rekomendasyon ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) na pinamumunuan ni Justice Secretary Leila De Lima.

Lumilitaw sa pagrepaso na hindi masasampahan ng kaso si Puno dahil walang sapat na ebidensiyang magdidiin sa kanya sa nabanggit na insidente.

“If there had been sufficient evidence or actuation of Puno to hold him liable for something, we would have recommended that he be held liable,” ayon kay De Mesa.

Sinabi pa rin niya na hindi miyembro si Puno ng local Crisis Management Committee (CMC) o siyang pinakamalapit na superyor ni P/Supt. Rodolfo Magtibay, ang on-scene commander sa hindi naging matagumpay na hostage rescue.

“He did all that the President asked him to do that day, which was to relay messages to Magtibay and Verzosa,” ang pahayag ni de Mesa.

Sa isang sipi mula sa Review of the 1st Report of the IIRC, sinasabi na hindi nabanggit si Puno sa alinmang walong kritikal na insidenteng tinukoy ng IIRC.

Ayon sa mga miyembro ng IIRC, ang walong kritikal na insidente ay ang mga pangyayaring lubhang nakaapekto sa resulta ng hostage crisis. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply