Pag-IBIG officials, developers nagkutsaba

MALAKI  ang paniniwala ni Senate President Juan Ponce Enrile na nagkaroon ng sabwatan sa pagitan ng ilang opisyal ng Home Mutual Development Funds (Pag-IBIG Funds) at pribadong developer kaya naipalabas ang P7.2 bilyong housing loans.

Sinabi ni Enrile na umiiwas ang ilang opisyal ng Pag-IBIG funds na tugunan ang ilang katanun gan ng mga mambabatas dahil may sabwatan ang ilan sa kanila at pribadong Globe Asiatique Realty Development Corporation na pag-aari ng isang Delfin Lee.

“Nililigaw kami. Simple lang ang tanong ko. Siyempre, sasabihin ko sa kanya hindi mo ako maloloko. Ang suspetsa ko, may collusion. Una, siya lang ang gumamit ng ganung sistema. Pangalawa, sabi niya, ginagawa niya ‘yung mga bahay bago siya sumisingil sa Pag-Ibig kaya gumagawa siguro siya ng mga fake na mga buyers para mabayaran siya,” giit ni Enrile.

Sinabi ni Enrile na malamang hanggang executive positions lamang tulad ng branch manager ng Pag-IBIG funds sa Pampanga ang nakipagsabwatan kay Lee upang mabayaran ng ahensiya ang P7.2 bilyong Xevera Housing Project sa lalawigan.

“Hindi natin alam kung hanggang saan ang collusion. Hanggang doon sa branch manager, sinabi. Tingnan natin ‘yung branch manager,” giit ni Enrile.

Nagpatayo nang mahigit 9,000 housing units ang Globe Asiatique sa Pampanga ngunit natuklasan na maraming pangalan na naaprubahan ang pautang sa Pag-IBIG ang hindi matukoy ang address, di kumpleto ang dokumento o pekeng buyer.

Tinukoy pa ni Enrile na may pananagutan ang mga opisyal na nag-apruba ng housing loans kay Lee ngunit walang binanggit  hinggil sa pananagutan  ni dating Vice President Noli  De Castro sa naturang fiasco. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply