Pag-iyak at walk out ni Gerald Anderson sa set nila Kim Chiu gimik lang

HANGGANG NGAYON, pahulaan pa kung gimik o totohanan ‘yung pag-iyak at pagwo-walkout niya sa presscon ng Till My Heartaches End noong isang araw.

Malayo kasi sa tanong ng isang reporter ang sagot ni Gerald.

Mistulang praktisado ang sinabi niya gayung di naman ‘yun ang tanong sa kanya.

Hindi nga napigilang maging emosyonal ni Gerald Anderson sa presscon ng movie nila ni Kim Chiu nang magsalita siya ng nararamdaman tungkol sa kinahinatnan ng relasyon nila ng kapareha pati na rin sa kasalukuyang estado ng kanilang loveteam.

Umiiyak na nag-open-up si Gerald sa entertainment press at inaming nasaktan niya ng maraming beses si Kim.

“Ang dami kong binigay sa kanyang problema, heartaches, pero tinanggap pa rin niya ako,” naluluhang sabi ni Gerald.

Sinabi rin ng aktor na alam niyang hindi niya mapapantayan ang lahat ng ginawa sa kanya ni Kim at hindi niya sinadyang saktan ang ka-loveteam at dating karelasyon.

Naging mataas daw ang tingin sa kanya ng mga tao simula nang makatulong siya sa Ondoy victims at naging hero bigla ang tingin sa kanya na hindi puwedeng magkamali.

“Nakalimutan po nila na tao rin ako, nagkakamali rin ako,” patuloy niya.

Ikinalulungkot din ni Gerald ang pagkakahati-hati ng kanilang fans at marami sa mga ito ay nagagalit sa kanya.

“Ang dami kong natatanggap na hate mails, kahit sa bahay ko, mga mahal ko sa buhay, nadadamay.”

Ikinuwento ni Gerald na may tumawag sa kanyang ina at binantaang papatayin ang anak nito at anang aktor, ibang usapan na raw ito.

Sa sobrang emosyon, kinailangang mag-excuse ni Gerald para umalis sandali sa stage na pinagdadausan ng Q&A, pero hindi na nakabalik pa dahil nag-hyper-ventilate na raw ito at napaligiran ng paramedics. (Talaga, ha?—ED) Cesar Pambid

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply