Pagbasura sa VFA kinontra ni Chiz

KINONTRA kahapon ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang panukalang ibasura ang Visiting Forces Agreement (VFA) dahil nakakapanghinayang umano ang ang nakukuhang $60-$80 milyon military aid ng bansa.

Sinabi ni Escudero na kailangan lamang magkaroon ng “refinements” sa dalawang probisyon ng kasunduan, partikular ang criminal jurisdiction at pagkahulugan ng salitang “visiting” na siyang nagpapalito dito.

“In so far as I am personally concerned I would rather focus on criminal jurisdiction. And two things, criminal jurisdiction and number two, saan ka nakakita ng bisita na 365 days nandito. Hindi na bisita ang tawag doon,” ayon kay Escudero.

Aniya, “either baguhin nila ang pangalan o sumunod sila sa definition ng ‘bisita.’”

Sinabi ni Escudero na hindi nararapat ang panukala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ibasura kaagad ang VFA sa pamamagitan ng pagpapadala ng abiso sa Washington matapos maaprubahan ng Kongreso ang isang resolusyon hinggil dito.

“Not necessarily. It could be renegotiation,” giit ni Escudero.

Aniya, magagawa ang refinements sa Senado sa pamamagitan ng pagsusumite ng kaukulang panukala upang magkaroon ng panibagong negosasyon sa kasunduan at baguhin ang depinisyon ang “visiting” at “criminal jurisdiction”.

“Again, we are getting 60 to 80 million dollars in military aid a year. May tulong but the question is at what cost?” tanong ni Escudero. Ernie Reyes

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply