Pagdedma ng China sa legal findings pinagkibit-balikat lang

NAIINTINDIHAN ng Malakanyang kung hindi nagustuhan ng Hong Kong government ang pagkatig ni Pangulong Aquino sa  findings ng legal team sa Incident Investigation and Review Committee (IIRC) report. Ang katuwiran ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ay naipaliwanag na nilang mabuti sa Hong Kong government  kung bakit dapat  lang na isailalim sa legal review ang IIRC report dahil gusto nilang tama ang isasampang kaso laban sa mga taong mapapatunayang responsable sa madugong hostage crisis noong Agosto 23 sa Maynila.

Samantala, sinabi ni Hong Kong chief executive Donald Tsang na hindi sila kuntento sa rekomendasyon ng Pangulong Aquino na walang sasampahan ng kasong kriminal. Hinikayat ng Hong Kong government ang Chief Executive na magkaroon ng panindigan na maparusahan ang dapat na maparusahan sa nasabing insidente.

Kamakailan ay inihayag ng Punong Ehekutibo ang resulta ng pag-aaral ng kanyang legal team sa inilabas na resulta sa imbestigasyon ng IIRC team kung saan ay lumabas sa rekumendasyon na walang kinasuhan ng kriminal at pawang administrative charges ang pinasasampa sa mga opisyal ng gobyerno at pulis na may ginampanang papel sa hostage crisis habang ang iba ay inabsuwelto.

Salungat naman ito sa orihinal na desisyon ng IIRC na pinakakasuhan ng kriminal si Manila Mayor Alfredo Lim, dahil sa kapalpakan bilang pinuno ng crisis management committee. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply