Pagkaastig ni PNoy sa oil companies nasaan?

SUPORTADO ni PNoy ang laban ng Bureau of Customs at Bureau of Internal Revenue kaugnay ng teknikal ismagling umano ng Shell Philippines na nagkakahalaga ng nasa P25 bilyon.

May misklasipikasyon  at misdeklarasyon umano ang ang Shell sa mga unleaded gasoline na ipinasok nito sa repablik ni Juan sa nakalipas na tatlong taon.

Mining tu sey, Suki, bininyagan ang unleaded gasoline ng ibang mga pangalan para lang makaiwas umano ito sa pagbabayad ng taripa at buwis na rin.

Nakasampa na ang kaso sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno at kung hindi magbabayad ang Shell at magmamatigas ito sa pagsasabing wala itong ginawang kabulastugan, tutuluyan na umano ng BOC at BIR.

Sa pagsuporta ni P-Noy sa mga aksyon ng BOC at BIR na isampa sa hukuman ang kaso para lumitaw ang buong katotohanan, masasabing astig si PNoy.

Nauna rito, naipakita na ni PNoy ang kanyang pagkaastig sa kanyang mga kalaban sa pulitika.

Ayon sa kanyang mga  tsuwariwap, pruweba umano ang pagtatatag niya ng Truth Commission laban kina Gloripie.

Isa pa, astig siya dahil tagasunod umano niya ang mayorya sa Kamara at kung ano ang gusto niya, yun ang masusunod.

Walang binatbat sa Kamara ang haharang-harang sa kanyang mga panukala.

Yung mga lump sum na napakalalaki, aprub na aprub at sinakyan naman ng mga kongresman.

Palibhasa’y kikita naman sila riyan.

Yu no na. Hi! Hi! Hi!

Basta pagkakaperahan, diyan pinakamagagaling sina kongresman.

Korus nila sa kanta ni PNoy, para naman lahat kay Juan.

At si Juan ang boss nilang lahat.

oOo

May napapansin lamang tayo.

Nitong mga huling pagtataas ng presyo ng mga kompanya ng langis ng kanilang mga produkto, sabi ng bagong bosing sa Department of Energy, eh, oki ang mga iyon.

Tama lang umano.

Kahit ang pinakahuli kamakalawa, oki rin lang?

Oki nga ba talaga?

Kung tatanungin mo ang milyong biktima ng super taypun na si Juan, hindi oki.

Kasi naman, nasiraan na nga sila ng mga tahanan, nawalan ng kuryente at nawalan ng kabuhayan, basta nagtaas na lang din ng presyo ang mga kompanya ng langis.

Ang sabi, para raw hindi sila malugi.

Anoooo?

Talaga yatang walang konsiyensiya ang mga linsiyak na kompanyang ito at ang mga sarili lang nila ang kani-lang iniintindi.

Pero ito ang masakit!

Ni ho, ni ha ang marinig natin kay P-Noy.

Hindi nating siya maringgan ng: “Kung may natitira pa silang hiya,…gaya ng narinig nating sinabi niya laban sa kanyang mga hindi kasundo sa pulitika.

O PNoy, paano ba ang mga kompanyang ito, huh?

Bukod sa pagsasabing ayaw nilang malugi, wala kayang milagrong ginagawa ang mga ito sa pagtataas ng presyo ng petrolyo? Rey Briones

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply