Paglaya ni Sen. Antonio Trillanes bitin pa

NABITIN pa ang inaasahang kalayaan ni Sen. Antonio Trillanes IV dahil kailangan pang dumaan sa prosesong ligal at alituntunin ng Kongreso ang pagpapatibay sa amnesty proclamation na ipinalabas ni Pangulong Benigno Aquino III.

Inihayag kahapon nina  Senate President Juan Ponce Enrile at Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III  na kailangan pang dinggin ng komite ng Senado ang proklamasyon bago pagtibayin ng Kongreso saka lamang magkakabisa ang amnestiya na tinatayang magaganap sa Nobyembre o bago mag-Pasko.

Ayon kay Enrile, may ilan pang prosesong ligal na dadaanan ang proklamasyon bago maisakatuparan alinsunod sa probisyon ng Saligang Batas na kailangan munang pagtibayin ng Kongreso ang amnestiya sa pamamagitan ng isang joint concurring resolution.

Base rin sa Senate Rules, kailangan dumaan muna sa pagdinig ng Senate committee on peace and unification ang proklamasyon bago tuluyang dalhin sa plenaryo upang pagtibayin saka lamang magkakaroon ng epekto ang amnestiya.

“I was told yesterday that the proclamation will have to be heard by the committee on peace process and so, probably, he is joining us in November. After the hearings, we will touch concurrent resolution after the committee will report it out and that will be when we resume session in November,” ayon kay Enrile. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply