Pagpapakitang gilas sa bagyo at SBSK elections

RAIN or shine, may bagyo at baha o wala, tuloy ang halalan sa Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan.

Mariin itong sinabi ni Comelec Chairman Jose Melo nang sabihin nitong “Go! Go! Go!” ang halalan.

Eh ano kung nawasak ang mga iskul o lugar na pagdarausan ng eleksyon?

Nauna rito, nagkaroon ng panawagan sa Kongreso na ipagpaliban ang halalan sa mga sinalanta ng bagyong Juan.

Pero nang makapanayam ng mga kinauukulan ang Comelec, napagdesisyonan nilang ipagpatuloy na lang ang halalan.

Maganda ang nasabing desisyon.

Bakit?

Para sa atin, nagagawan ng paraan ang mga voting precinct na sira o alanganin ang kalagayan.

Kung sira ang iskul na doon maipupuwesto ang mga presinto, pupuwedeng gumawa ng tolda.

Tutal, mano-mano naman ang halalan.

Sanay na ang mamamayan na gumawa ng mga pormal na bagay sa konting silungan.

Bukod dito, magandang makita ng mga kandidato ang kanilang kapwa at ang kanilang kapaligiran.

Sa mga dinaanan ng bagyo , baha at kalamidad, malinaw na makikita ang mga pupuwedeng gawin ng mga kandidato kung manalo sila.

Alam nila ang mga kakaharapin nilang problema.

Kung hindi nila makakaya ang mga problema ng mamamayan, maaaring umatras na lang sila.

Yung mga matitibay ang sikmura at makakapal ang mukha pero wala namang magawa, maaaring magpatuloy sila sa halalan.

Pero huhusgahan pa rin sila ng mamamayan sa pamamagitan ng balota.

At yung sumisilip lang ng mapagkukuwartahan sa barangay o sa pondo ng mga kabataan, alam din ng mamamayan ang kanilang gagawin sa mga ito.

Sa lahat ng araw ng kampanyahan kasi at sa gitna ng mga kalamidad, may pakpak ang mga balita.

Nakikilala ng mga botante  ang mga pupuwedeng pagkatiwalaan na mga opisyal sa barangay at kabataan.

Lalo na kung ang mga barangay ay binubuo ng mga nilulumot na at magkakamag-anak sa lugar.

Maganda talaga ang halalan dahil isa itong mabisa na panlinis sa mga dumi at mantsa sa barangay at pagkakataon ng mamamayan na magluklok ng mga tunay na lingkod-bayan.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply