Pagpapakitang gilas sa first 100 days

SABI ni Pangulong Noynoy, okey ang kanyang first 100 days.

Napigilan niya ang bilyon-bilyong halaga ng kontrata na puno ng kademonyohan.

Yun bang === pinagkakaperahan ng mga corrupt.

Halimbawa ang mahigit P18 bilyon  na  paglilinis at pagpapalalim daw sa Laguna de Bay. Malaking bagay din ang pagpigil at pagpapasubasta sa nasa P1 bilyong halaga ng mga kontrata sa Department of Public Works and Highways.

Gayundin na nakatipid ang pamahalaan sa pagpigil sa Government Owned and Controlled Corporations na pagkukuwartahan ng mga suwapang na opisyal dito at taga-Malakanyang na rin.

Una rito, naging successful ang “walang wang-wang at walang counterflow.”

Dahil umano sa seryoso at malinis na pamamahala, nagsimula na umanong magkainteres ang mga dayuhan na magnegosyo sa bansa. Sa pamamasyal lang niya sa Estados Unidos na doon niyan personal na naka-chat si US President Barack Obama, may nangako ng $434 milyon na grant o bigay at hindi pautang para umano sa mga pangmahihirap na progrma at kontra corruption. Bukod pa rito ang may $2B puhunan umano ng tatlong kompanyang Amerikano sa bansa.

Magbibigay rin daw ang World Bank ng halos $60M para pa rin sa mga mahihirap umano.

Hindi masamang pasimula ang lahat sa loob lamang ng 100 days niyang panunungkulan.

oOo

Kaya lang, Pangulong Noy, lahat ng administrasyon ay meron ding ganyan.

Makaraan ang 100 days, diyan na nagsimula ang mga kalokohan. Kanya-kanya na ang paghahari ng mga nasa gabinete at bureau.

May nagsasabwatan, nagsisiraan at nagsisipsipan. Hanggang sa bumagsak ang lahat ng mga administrasyon. Ang paghari-hairan, pagsasabwatan, pagsisipsipan ay nauugat sa pera.

Pera…pera…pera!!

Ang ending ay tulad ng dati, puro korap sa kanilang mga huling araw ang mga opisyal ng gobyerno.

Ito, mahal na Pangulong Noy, ang iyong babantayan.

Kasama sa mga sisira sa inyo ang mga nagsimula nang maningil ng kanilang mga pautang na campaign funds para kayo manalo bilang Boss.

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply