Pagpapatawad sa Magdalo Group isinulong sa Kamara

INILARGA na kahapon sa Kamara de Representantes ang resolusyong humihiling na mabigyan ng amnestiya ang lahat ng mga sundalong miyembro ng Magdalo Group na nag-aklas laban sa administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na ngayon ay kinatawan na ng ikalawang distrito ng Pampanga.

May 153 na kongresista na ang lumagda sa House Resolution 524, na pangunahing inakda ni House Deputy Speaker Lorenzo Tañada III.

Nakapaloob sa resolusyon na ang amnesty ay ibibigay sa  lahat ng mga sundalong naging bahagi ng Oakwood Mutiny, Manila Peninsula siege at 2006 marine standoff sa Fort Bonifacio. Iginiit ni Tañada sa kaniyang resolusyon na panahon na para maibasura ang mga kasong kinakaharap ng mga sundalo sa military at civilian court. Aniya, sapat na ang pitong taong ipinagdusa ng mga ito sa loob ng bilangguan.

Sinabi ng mambabatas na ang pagsusulong ng Kamara sa kaniyang resolusyon ay suporta lamang sa naunang pahayag ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na nakahanda ang kaniyang administrasyon na makipag-usap sa mga kritiko ng kanyang administrasyon.

Sa pagtataya ng grupo ng mga Magdalo, may 300 hanggang 600 mga opisyal at enlisted personnel ang makikinabang sakaling maaprubahan ang amnestiya.  Meliza  Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply