Pagpatay sa money lender, planado

MALAKI ang hinala ng pulisya na planado ang pagpatay ng dalawang  holdaper sa isang 53 anyos na money lender,  kamakalawa ng gabi, sa Taguig City.

Tadtad ng bala nang isinugod  ng mga kaanak sa Paranaque Hospital ang biktimang si Roben Magpantay, residente ng 25-A Reyes st., Purok 3, New Lower Bicutan, sa naturang lungsod, subalit namatay habang nilalapatan ng lunas sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Allan Corpuz, dakong ika-6:30 ng gabi, sakay ng kanyang motorsiklong may plakang UE-3199 ang biktima at kaaalis lang sa kanyang tirahan nang biglang paputukan ng dalawang salarin,  sa kahabaan ng Reyes st.

Nang bumulagta ang biktima, nilapitan siya ng isa sa dalawang salarin at hinablot ang dalang bag bago tumakas, patungo sa hindi nabatid na direksiyon. Johnny F. Arasga

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply