Pakiusap ni Aquino sa mga kritiko: Wala naman sanang personalan

NAKIUSAP si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa kanyang mga kritiko na maging propesyonal sa trabaho at huwag haluan  ng pamemersonal.

Sinabi ni Pangulong Aquino na umaasa siya na magdedebate ang anumang sektor batay sa merito at hindi sa usapin ng personalidad partikular sa isyu ng conditional cash transfer (CCT).

“He’s confident daw na maidedepensa ng DSWD ang usapin ng conditional cash transfer at inaasahan na boboto mga kasamahan sa Kongreso based on merit of the program na makakatulong sa poorest of the poor,” ayon kay Pangulong Aquino.

Sa ulat, natatakot lang ang panig ng minorya sa Kamara na tumaas ang kredibilidad at popularidad ni Pangulong Aquino  kaya tumututol ang mga ito sa CCT ng gobyerno.

Sinabi ni Parañaque Rep. Roilo Golez sa harap ng panibagong 15 mga lagda na nakalap ng progressive party-list group na pirma kontra CCT.

Ayon kay PNoy, nag-aalala marahil ang mga nasa oposisyon sa sasapiting tagumpay ng programa at hindi nila pahihintulutang mangyari ito kaya naman masidhi ang pagtutol sa CCT.

Si Golez ay isa sa mga lumagda sa mga sumusuporta sa paglikha ng isang komite na mangangasiwa sa pamamahagi ng conditional cash transfer ng gobyerno. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply