PAL management at FASAP pinagsusumite ng position paper

PINAGSUSUMITE ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng position paper sa loob ng sampung araw ang Philippine Airlines (PAL) at grupo ng mga flight attendants ng flag carrier ng bansa.

Ayon kay  Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Rosalinda Baldoz, na walang nakikitang solusyon ang ahensya para mapagkasundo ang hidwaan sa pagitan ng Philippine Airlines (PAL) Management at Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP).

Ipinaliwanag ni Baldoz na maari namang magsagawa ng strike ang mga miyembro ng FASAP habang pinagpapasyahan pa ang paghahatol sa kaso.

Mahigit 1,600 FASAP members ng kanilang strike vote sa susunod na linggo at 51% ang kinakailangan para matuloy ang kanilang tigil trabaho sa katapusan ng buwan.

Samantala, aantayin naman ng Labor Department ang position paper ng dalawang panig para agad na maresolba ang labor dispute at si Baldoz mismo ang mangunguna sa pagpapasya.

Kamakalawa, kapwa naman nagpahayag ng pagsang-ayon ang PAL at FASAP sa pagpasok na ng DOLE sa kanilang problema matapos na bumagsak ang negosasyon.

Tiniyak ng FASAP na pinal na ang pasya nitong ituloy ang strike sa huling linggo ng Oktubre matapos hindi magkasundo ang PAL Management  at mga cabin crew sa kabila ng limang beses na negosasyon kasama ang DOLE at National Mediation and Conciliation Board (NCMB).

Nilinaw naman ng DOLE na hindi basta makapaglulunsad ng welga ang FASAP kapag napailalim na sa hurisdiksyon ng DOLE ang kaso sa pagitan nito at management ng PAL. Johnny Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply