Palasyo ‘di bibigay’ sa HK

HINDI babaguhin ni Pangulong Benigno Aquino III ang pinal na desisyon sa Incident Investigation and Review Committee (IIRC) report para lang mapagbigyan ang Chinese at Hong Kong governments.

Ayon kay Pangulong Aquino, napakababaw na dahilan kung babaguhin ang nauna nitong desisyon para lamang masiyahan ang mga taga-Hong Kong.

Naniniwala ang Pangulo na ang resulta ng legal review ay naaayon sa interes ng sambayanang Pilipino.

Sa kabilang dako, handa naman ang pamahalaan na ipaliwanag ang naging takbo ng review at kung paano nakabuo ng ganoong rekomendasyon.

Matatandaang nadismaya si Hong Kong Chief Executive Donald Tsang sa naging findings at rekomendasyon ng legal team sa report ng IIRC. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply