Palasyo dedma sa pagguho ng usapang ng PAL-Fasap

WALANG balak ang Malakanyang na makialam sa nabigong huling mediation talks sa pagitan ng Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (Fasap) at ng flag-carrier ng bansa.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte ay pinanghawakan nila ang sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz  na hindi siya magdadalawang-isip na gamitin ang kanyang kapangyarihan para maplantsa ang gusot ng magkabilang panig.

Kumpiyansang sinabi niValte na kayang-kaya niBaldoz  na ayusin ang aspetong ito lalo pa’t “capable” ang kalihim sa mga ganitong uri ng hindi pagkakaunawaan.

Samantala, hindi  na mapipigilan ang paglulunsad ng welga ng mga flight attendants ng PAL matapos na walang kahinatnan ang huling negosasyon .

Naniniwala si PAL spokesperson Cielo  Villaluna na mareresolba rin ang deadlock sa pagitan nila ng Fasap kapag sumailalim sila sa arbitration.

Sa ginanap aniya na mediation talks, muli nilang inisa-isa ang offer sa Fasap subalit nagmamatigas pa rin umano ang grupo.

Balak naman ng Fasap na isagawa ang strike sa katapusan ng Oktubre o unang buwan ng Nobyembre.  Kris Jose/ Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply