Palasyo nag-TY sa RTC

NAGPAPASALAMAT ang Malakanyang sa Makati Regional Trial Court (RTC) na nagdesisyong ipagpaliban ang promulgasyon sa kaso nina Sen. Antonio Trillanes.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nagagalak ang Palasyo dahil sa ipinakitang judicial courtesy ng korte.

Aniya, magandang pagkakataon ito para sa mga kongresista upang dinggin ang panukala para tuluyang mapawalang-sala ang mga rebeldeng sundalo.

Matatandaang, kahapon sana ilalabas ng sala ni Judge Oscar Pimentel ang hatol ukol sa Magdalo group, pero dahil sa amnesty proclamation ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ay ipinagpaliban muna at inilipat sa darating na Disyembre 16.

Ang pagpapaliban ng promulgasyon ay sinasabing  bahagi ng judicial courtesy upang bigyang-daan ang pagpapatibay ng Kongreso sa amnestiya.

Una nang idinepensa ng Palasyo ang nasabing amnestiya lalo pa’t pinagdusahan na umano ng mga sundalo ang kanilang ginawa. Kris Jose

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply