Pambabastos ng Chinese sponsor sa pageant, ibinunyag ni Maggie Wilson

SA SET Beauty Queen, nagbigay ng pahayag si Maggie Wilson against Stella Marquez Araneta. Nakakagulat ang pagbubulgar niya.

Nagsimula ang lahat nang may magtanong kay Maggie kung bakit sa palagay niya mailap ang Miss World crown sa mga Pinay na nagiging representative natin sa naturang competition. Kabilang na rin siya nang maging Bb Pilipinas World 2007.

Dito na naitsika ni Maggie ang hindi magandang experience dinanas nang lumaban siya sa Ms World.

Binastos daw siya ng isa sa mga Chinese sponsor ng contest. At hindi raw siya natatakot kay Stella Marquez Araneta sa pagbubulgar na binastos siya nang isa sa mga sponsor. Dahil wala daw ginawa si  Stella Marquez nang isumbong niya ang ginawang panghihipo sa puwet niya ng Chinese sponsor.

“Why I am not happy with her (Ms Stella Marquez Araneta)? I guess because when I was competing in China, I was physically harassed by our sponsors. Hinawakan ‘yung puwet ko, tapos yung ibang girls, dinakma ang boobs! Siyempre, hindi inilabas sa press kasi nasa kontrata ko, bawal,” pagbubulgar ni Maggie.

“Chinese sponsors sila, isang malaking kumpanya. Nabastos ako. Ay, sinampal ko talaga ‘yung humawak sa akin, Sabi ko, Don’t touch me!

“Diyos ko, I`d rather have my dignity, di ba? I`d rather have my dignity than pumayag ako na bastusin ako para manalo ako, di ba?

“Nang tumawag ako kay Mam Stella, sinabihan niya ako na tapusin ko, Wala siyang ginawa.Gusto ko nang umalis, ayoko na. Sinabihan lang niya ako na just finish it, you have to finish it!

“You know, wala na akong nagawa. Naano ako sa kanya dahil wala siyang ginawa para matulungan ako or anything. Tinapos ko ang pageant  pero alam ko na noon pa hindi na ako mananalo.

“Kasi yun nga…yung Miss World din, wala rin silang ginawa.Yung organization mismo, wala rin silang ginawa.

Mga 80% ng girls nabastos.,” patuloy na tsika pa ni Maggie.

Ask namin kung anong ginawa noong Chinese na sinampal niya?

“Wala siyempre, nagulat siya sa akin tapos in-English ko siya. Hindi niya ako maintindihan pero nakita niya, Philippines ang sash ko.”

Bukas ang pahinang ito para sa side ni Madam Stella Marquez Araneta.

****

Patuloy ang mga challenges na pinagdadaanan ngayon ng 12 Star Factor contestant na tinawag na 12 Shining Star sa TV5.

Isa sa kanila ang matatanggal ngayong Linggo kaya sigurado kami na marami na naman mag-iiyakan sa panig ng matatanggal.

Pero walang dapat ipag-alala ang matatanggal sa natitirang 12 Star Factor contestant dahil sigurado na ang kanilang showbiz career.

Tsika at kinumpirma kasi sa amin na papipirmahin na ng kontrata ang 12 Shining Star sa TV5. Kaya matsugi man sila ngayon sa reality artista search ng TV5 ay may project na silang gagawin sa Kapatid Network.

Of course, natural na mas maganda pa rin siyempre ang mapasama ka sa Top 4. At sino kaya sa 12 Shining Star ang mapapasama dito? Gerry Ocampo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply