Panagutin ang sangkot sa palpak na halalan

DALAWANG organo ng pamahalaan ang gustong mag-imbestiga sa pagka-delay ng halalan sa nasa 2,000 barangay sa buong bansa.

Mismong ang Commission on Elections ay magtatatag daw ng fact finding committee at ang House of Representatives naman ay gustong magkaroon ng sariling imbestigasyon.

Okey lang sa atin ang mga imbestigasyon hindi lang para makapulot tayo ng leksyon kundi matukoy na rin ang mga may kagagawan dito.

Ang daming palpak dito, mga Bro, at pangunahing nakompromiso ang karapatan ng mamamayan na pumili at magluklok ng kanilang mga bagong opisyal para sa “matueid sana na daan sa pamamahala.”

Nasayang din ang malaking pondo ng pamahalaan dahil sa kapalpakang sinadya at hindi sinadya.

Diyan sa Comelec, may deliveries pala na sinasadya upang makasingit ang mga personal na delivery na may malaking pabaon.

Mayroon ding misdeliveries para may pagkakataon na maisingit ang mga personal interes.

Yun bang === sinasadya na mali ang pagdalhan o rutang dinaraanan ng mga truck para lang makadaan sa kanilang mga bahay-bahay ang mga taga-Comelec o forwarder o tagabiyahe.

Sa ibang mga sitwasyon, naririyan ang mga turuan sa pagitan ng National Printing Office, Comelec at iba pang may transaksyon kaugnay ng halalan.

Pati nga ang Kongreso ay itinuro ding may kagagawan sa delay dahil sa mga resolusyon na ipostpone ang halalan upang makatipid ang pamahalaan.

Rason ng mga pro-postponement, malaki ang nagastos ng pamahalaan sa nakaraang Mayo 10, 2010 elections at hindi na pupuwedeng masundan pa ito ng malaking pagkakagastusan lalo’t iniwan daw ng administrasyong Arroyo ang pamahalaan na halos bangkrap.

Ano-ano nga kaya ang lalabas sa mga imbestigasyon, mga Bro? Baka naman mangingibabawa lang ang whitewash diyan.

O baka naman pagkukuwartahan lang lalo na ang mga pribadong kompanya na suplayer ng mga papel, ink, kasama na ang mga nakontratang taga-biyahe ng mga balota at iba pang gamit sa halalan.

May mga opisyal kayang makukutusan o mapananagot sa mga kapalpakan?

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply