Pang-Undas na iskedyul ng PBA

MAGKAKASUNOD na laro ang inihanda sa pagpapatuloy ng 36th season ng 2010-2011 PBA Philippine Cup na magsisimula bukas kaugnay ng tatlong araw na bakasyon na pawang lalaruin sa Big Dome.

Maghaharap ang Air21 Express (2-2) at ang Barako Bull Energy Boosters (1-3) habang babawi ang Rain or shine (2-3) sa huling pagkatalo sa Meralco Bolts, 79-87, sa pagbangga sa umaarangkadang Ginebra San Miguel (3-2).

Kinabukasan ay raratsada ang San Miguel Beer (4-1) kontra sa B-Meg Derby Ace (1-4) na susundan ng labanan ng 3 tournament favorites na Alaska Aces at ng Talk’n Text Tropang Texters (4-1).

Isang kapanapanabik na engkwentro sa pagitan ng SMB Beermen at 2009-2010 champion Alaska Aces ang nagpasigla sa mga PBA fans kamakalawa.

Naghabol ang Aces sa 14 puntos na abante ng Beermen, 38-24, sa first half sa insentibo nina Arwynd Santos at Dondon Hontiveros. Nakabuwelta ang Milkmen sa 3rd canto at isinara ang quarter na lamang ng 4 points.

Tinanghal na top scorer sina Santos na bumanat ng 27 points at 26 ang naibuslo ni Hontiveros, kabilang dito ang 18 sa 3 point area.

Sa huling 11.5 segundo, nagtabla sa 97 all ang dalawang team nang kumana si L.A. Tenorio ng isang 2 pointer. Sa nalalabing .4 seconds sa buzzer time napilitang gumawa ng isang twisting lay-up si Alex Cabagnot nang ang inihandang play ng Beermen ay nasansala na mahigpit na depensa ng Aces.

Pumasok ang tira ni Cabagnot tungo sa 99-97 panalo na pangatlo ng Beermen mula ng tanganan ni coach Ato Agustin.

Sa naunang laro ay sinisil ng Tropang Texters ang Powerade, 108-89, tungo sa pagsabay sa pangunguna ng Beermen ang Texters coached ni Chot Reyes sa 10-team standings sa PBA Philippine Cup. RT

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply