Panghaharas sa mediamen kailangang imbestigahan

ISANG vice mayor at apat nitong tauhan o kasama ang isinasangkot sa panghaharas ng isang team ng mediamen sa bayan ng Sapian, Capiz.

Naganap ang pangyayari habang kinukunan nina Joecel Huesca, reporter ng GMA Iloilo, at cameraman nitong si Felix John Torino ang halalan sa Sangguniang Barangay at Sangguniang Kabataan sa Poblacion Sapian Central Elementary School.

Tila may nagreklamo umanong ilang katao nang di alam ng mga ito na kumuha muna ng permiso sina Huesca sa Board of Election Teller bago sila kumuha ng footage sa lugar.

Dito umano umentra si Sapian Vice Mayor Ralph Odrunia at mga tauhan nitong sina Reynaldo Villanueva, Norbert Sabolbora, Elzor Oducado at Mario Baldisimo.

Itong si Villanueva ay pumapasok mismo sa tanggapan ni Odrunia samantalang si Sabolbora ay taga-Sapian municipal office ang dyowa.

Sa nakalap nating mga ulat, binatukan umano mismo ni bise si Torino at iniutos nitong kumpiskahin ang kamera nito.

Nasira na ang kamera nang ibalik ito makaraan ang nasa 20 minutong kaguluhan.

Kinuwelyuhan naman si Huesca ng isa sa mga tauhan ni bise.

Ang tanong ngayon kay bise ay ito: totoo ba na ikaw mismo ang bumatok kay Torino at bakit?

Ayaw kong magkaroon ng pagdududa pero isang katanungan sa akin kung ano ang ginagawa ninyo sa  bakuran ng presinto at kung bakit tila wala sa lugar ang inyong aksyon.

Itong si Sapian Mayor Arturo “Turik” Orosco ay iniulat na umaaksyon na sa pangyayari.

Wataymen, pinaiimbestigahan na ang pangyayari, maging ang pagkakasangkot nina Villanueva at Sabolbora sa pangyayari.

Saludo ang ULTIMATUM sa inyo, Mayor Orosco, sa agarang pag-aksyon sa problema.

Tila may pagkaangas itong si bise at hindi man lang dinaan sa ligal na paraan ang pakikialam nito sa gawain ng media.

Hindi yata alam ni Vice Odrunia na bawal ang pagiging balat sibuyas sa mga usaping public service.

At lalong ‘di yata aware si bise sa malayang pamamahayag na siyang isinasabuhay lang ng mga kapatid namin sa hanapbuhay na sina Joecel Huesca at Felix John Torino.

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph. Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply