‘Panukat’ kay PNoy inilatag

SA HALIP na graduhan si Pangulong Aquino para sa unang 100 araw nito sa pwesto ay naglabas na lamang ng kategorya ang Minorya na siyang pagbabatayan ng publiko para sa pagga-grado sa presidente.

Sa isang press conference, nagmungkahi si Minority Leader Edcel Lagman ng mga standards kung paano bibigyan ng grado si Pnoy sa loob ng kaniyang termino.

Pangunahin na rito ang “Ability, agility and alacrity in responding to a crisis situation and its aftermath;

Existence, substance and viability of the Aquino administration’s legislative agenda; at adequacy and import of the President’s policy prioritizations and budgetary allocations in the National Expenditure Program (NEP).

Ang pang-apat na kategorya na binanggit ni Lagman ay ang “Choice of presidential appointees on the basis of qualification, experience and integrity; Capacity to confront the present and plan the future, instead of perpetually complaining about the past and castigating predecessors; Response to criticisms and critics; Decisiveness of actions and judiciousness in resolving options; Statesmanship over partisanship; Sincerity and credibility over bare propaganda and populist pronouncements; and Resoluteness in confronting and solving the population issue without fear or favor.”

Ayon naman kay Assistant Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay ang patuloy na mataas na grado ni Pnoy ay bahagi pa rin ito ng pagkapanalo niya nitong nagdaang eleksyon. Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply